Rodriquez Cousins Series #2 Hindi nawaglit sa isip ni Joy ang mga sinabi ni RJ. Naghintay siya ng isa, dalawa, tatlo, apat hanggang sa umabot ng limang taon ngunit walang RJ na bumabalik. Kahit na palaging sinasabi niya na hindi na niya hinihintay si RJ ay sa totoo lang at sa puso niya ay gusto niya pa ring makita ang taong iyon dahil kahit sa sandali lang silang nagkasama ay nag-iwan na ito ng marka sa puso niya.